When love and hate collide.

Okaay. Long time no update. Hahaha. Thank God, exam week is over! Good luck na lang sa results. Guessing game pa naman yung iba dun. >.<

Para mawala naman kahit konti yung lungkot na nararamdaman ko ngayon, magkwekwento na lang ako ng masasayang nangyari kanina. Boring post ahead. :))

Nagising ako ng 6am. May usapan kasi ang group namin sa TW na magkita-kita sa Mcdo by 8am for our project. Pero imagine, kahapon lang naconfirm ung interview namin. Hindi kasi siya nagrereply eh. Nagkagulo rin sa venue. Starbucks rockwell daw, etc. So kanina, feeling ko dapat maaga kami kasi nakakahiya. Dahil punctual ako, quarter to 8 pa lang, nandun na ako.

So as usual, bumili ako ng fries. Naghintay kami hanggang 8:30. Dumating na yung mom ko sa Mcdo ng 8:30 para ihatid kami sa Makati pero wala pa rin si Tif. Pero buti na lang late si Tif dahil kung hindi, naiwan si Sarah. Nauna na si Hazel dahil nandun daw dad niya. So before 9 am, kaming 7 ay pumunta na sa Makati.

So there. Nakarating na kami sa Makati. Wow. 10am usapan, pero 9:15 pa lang nandun na kami. So pumasok kami sa loob ng building. Nakakaamaze. :))

Nagdesisyon kami na kumain muna. So pumunta kami sa KFC. Bumili ako ng fries as usual. Kwentuhan, pnagusapan yung interview, etc- yan ginawa namin. Nung 20 mins before 10, tinext ako ni Alexeeb, our interviewee. Malalate daw siya. So we stayed in KFC. At dahil dun, napabili na naman ako ng fries. Tsk.

40 mins before 11, we decided to go to 7 11 para maghanap ng paper bag para sa token namin kay Alexeeb. Nakahanap naman kami ng paper bag, thank God.

Pagbalik namin uli sa building, wow. Solaris one= <3. Na-amaze na naman kami. Hahaha. High-tech ang entrance. Hahaha. Tapos may coy pa sa gilid na ewan. We were asked to register and give them our ids. Pero dahil di lahat may id, yung merong id lang ang nagbigay. Kasama ako dun. XD

Pinaakyat na kami sa office niya. Nice office. Ang ganda ng walls at ceiling. Accomodating staffs. Ang galing talaga. Noong una, medyo nahihiya pa kami kasi parang napakaformal nila. Yun naman pala, hindi. Nakikipagjoke pa nga sa amin eh.

Then, dumating na si Mr. Alexeeb Flores. Isa siyang art director. Alam mo ba yung mga commercials sa tv ng jollibee, solmux, voice, greenwhich, etc? Siya ang nagisip nun!Ayaw daw niya ng formal. Pero dun kami nginterview sa room kung saan ginaganap ung meeting ng mga clients nya. So yung interview namin para sa TW, nagtatagalog si Alexeeb. Ang saya niya kausap. Madami kaming natutunan about commercials. Ang laki rin ng kita niya. Imagine, magiisp ka lang ng story, ang kita mo per month is a 6 digit number? Tapos patravel-travel ka lang, yung iba nagtratrabaho pero ikaw nanunuod ka lang habang umiinom ng starbucks. hahaha.

Then, tinour niya kami sa office. Wow. May parang little tykes pa, xbox, gitara, etc. Not your typical office. :))

After that, umalis na kami. Lakwatsa time! Ako, si Regine, Kim at Tif ay pumunta ng Glorietta thru bus. Kinakabahan ako nung una kasi hindi ako marunong sumakay ng bus. Pero okay lang. Then we reached Glorietta. Wala naman kaming ginawa doon. Kumain sa world chicken, window shopping, nagbasa ng powerbooks.

Nauna umuwi si Tif. Pumunta kaming 3 sa SM makati. First time ko yun. Nyaha. So shempre, medyo naaliw ako. Pero nakakaasar din dun dahil ano... Nevermind. :P

Umuwi na kaming 3 nung 4pm na. Kinakabahan ako kasi 2nd time ko sumakay ng MRT. Ang sikip pa naman dun. Pero first time ko pumunta sa Cubao, Tapos nawala pa ako sa Cubao kasi di ko masyado alam ung daan from MRT to LRT 2. Thank God for those signs, nakasakay naman ako sa LRT at nakauwi ng maayos. :D

---
Naguguluhan ako ngayon. Hold on or let go? Nasasaktan lang kasi ako pag kakapit pa ako. Pero dahil sa kanya, sumaya rin buhay ko. Kaso hindi pa rin ako handang kalimutan siya...
---

Magulong post dahil ang nagpopost ay naguguluhan din ngayon. Good night.