Tired.
Monday, September 7, 2009
Matagal din pala akong di nagupdate. Well, ang daming masasayang nangyari last week. Wala kaming Physics 1 week straight, bago na Music teacher namin. First time ko rin matulog sa ibang bahay for the sake of a class project/ contest. Natulog kami kna Tif nung Wednesday. Tsaka last week, may nalaman din ako. :P
So today, I started my day with a smile. Napilitan ako gumising ng maaga dahil pupunta ang Burbank sa bahay nila Julius for the chemistry class project. Inaantok pa ako at ayaw ko pa talaga bumangon dahil ang lamig pero natauhan din ako.
Maaga ako nakarating sa Mcdo. 15 mins before 9am pa lang, nandoon na ako so pang-third ako. 9am ang usapan, pero yung iba 9:30 na dumating. Talk about punctuality. :P
So pumunta kami sa bahay nila Julius. First time ko sumakay ng LRT hanggang Monumento so medyo naexcite ako. I'm such an ignorant kid. Sumakay pa kami ng 2 jeep bago tuluyang makarating sa bahay nila Julius sa Caloocan. Whew. Ang unang ginawa ng karamihan pagkatapak sa bahay nila Julius e pumunta sa kanilang PC shop, buksan ang PC, at magonline sa kanilang Y!M. Well, ganun din ginawa ko. 13 kaming Burbank sa bahay nila. So sinimulan na gawin yung periodic table, pero di tinapos. Kumain kami by 12:30 sa house nila. Napakahospitable ng family nila. Naghanda pa talaga. So thanks to the Villanueva family. :)
After that, tenenen. Lakwatsa time. From Caloocan, punta raw kaming MOA sa Pasay. Marami sa amin ang ayaw noong una kasi wala ng mga pera. Kahit ako rin eh, poor na kasi. Pero di na rin nakatanggi. Haha. So 9 kaming pumunta doon. First time ko nanaman sumakay nung parang orange na vehicle. Instead na jeepney, yun sinakyan namin. :D
Pagdating sa MOA, wala namang masyadong ginawa. Window shopping, kain. Grabe, naubos pera ko. Tsk. tsk.
Gonna end my boring post here. Good night. I'm tired.
Gonna end my boring post here. Good night. I'm tired.