Under the rain.
Monday, September 28, 2009
Yay! Walang pasok ngayon dahil sa bagyong Ondoy. Nakakaawa nga lang yung iba kasi lubog pa rin sila sa baha.
Dahil wala na naman akong magawa, magkwekwento na lang ako sa adventures ko nung Saturday. Warning: Long post ahead. :D
September 26, 2009:
May usapan na practice sa Masci, 8am for the field demo. Nagising ako ng 5:30. Nakatulog ulit at nagising ng 8am. Yikes! E nakita kong umuulan, so tinignan ko agad yung phone ko at umasang may magtetext na suspended na yung practice. Pero hindi raw suspended, tuloy daw. Nagdadalawang isip na ako kung pupunta ako kasi nakita ko na medyo malakas yung ulan. Pero nagpromise kasi ako na pupunta ako so naghanda na ako. So nagmadali ako at nakarating ng Masci ng 9:30am. Nakakaasar pa, nasira agad yung payong ko dahil sa hangin at nabasa na agad pants ko dahil lumusong na ako sa baha.
Wala namang matinong practice na naganap. Mukhang tinatamad na kasi yung mga kabatch ko tska umuulan din. Pumunta kami ng bordner building para magpractice daw. Pero yung mga representatives lang yata yung mga nagpractice. XD
By 12pm, sinabi ni Mam. Okafor na pwede na raw kami umuwi. Pero mataas na yung tubig sa Faura. Wala rin akong payong kasi nasira. Pinashare ako ng payong ni Vonne. Then pumunta ako, Pam, Vonne at Julius sa Mcdo. Dumating kami doon na nilalamig at basang basa na dahil sa baha at ulan. Grabe, first time ko lumusong sa baha nun. Kaya diring-diri ako. XD Kumain kami ng lunch.
By 1pm, kailangan na raw umuwi ni Julius. So umuwi na siya. Naiwan kaming tatlo ni Pam at Vonne. Kwentuhan sandali. Ayaw pa ako pauwiin ng mommy ko kasi baha raw sa amin. Nagsuggest ako na magSM kami para pampalipas oras. Pumayag naman sila.
Bumili ako ng umbrella sa LRT. Sumakay kami ng LRT tapos bumaba kami sa Central terminal. Grabe, ang taas na agad ng baha! Sa sidewalk pa lang, knee-high na yung baha. Kadiri. Then may nag-offer ng pedicab sa amin. Pumayag na rin kami kasi pag hindi sa sidewalk, almost waist level na yung baha. Kahit nasa loob na kami ng pedicab, yung paa naman namin nasa baha pa rin. At last, nakarating na kami ng SM. P70 ang siningil sa amin ni manong driver. Si Vonne nagcontribute ng P50, si Pam P20, ako wala. XD
Then pagkapasok sa SM, wow, nakakagulat pinasok din siya ng baha. Tapos nilalamig na talaga ako kasi basang basa na ako tapos aircon pa sa loob. Pero no choice pa rin. Nagikot lang kami sa loob ng mall. Tinatanong ko sila kung saan nila gusto pumunta, walang matinong sagot. Si Vonne bumanat pa. Hahaha. Pumunta kami ng World of Fun, Quantum, etc. By 4pm, sabi ko umuwi na kami.
So there. Napansin namin na mas mataas na yung baha sa labas ng SM. Sa sidewalk pa lang ng SM, tumaas na eh. Sumakay ulit kami ng pedicab. Nasa loob kami ni Pam ng pedicab, si Vonne nasa upuan ng driver. Kawawa siya, ang lamig pa naman dun. XD Tapos mas malaki na rin siningil sa amin ni driver. P40 each daw. Nangutang kami ni Pam kay Vonne. Mga wala na kasi kaming pera. Then nagkahiwalay na sa LRT. Going north kasi kami ni Pam, going south si Vonne.
Bumaba na ako sa D Jose station. Sumakay ng LRT 2. Grabe, brownout din pati sa LRT2. Walang ilaw yung mga kiosk, di gumagana yung vending machine. Akala ko rin free ride na kasi pinapasok na lang kami sa loob ng LRT. Yun pala, magbabayad ka pagkababa. XD
So there. Pagkababa, wow. Waist level yung baha. Walang jeep. Pero may pedicab uli. Sumakay ako, pero this time, sa taas ng pedicab ako pinaupo. Nilakad ko na lang ang sumunod na daan papunta sa bahay. Grabe, ang taas ng baha. Waist level. Tapos brownout pa.
Nakauwi ako sa bahay ng 6:30pm.
Nakauwi raw si Pam ng 6pm.
Nakauwi raw si Vonne ng 2am.
Thank God most of us arrived home safe and sound. I'll never forget that day. Good luck sa ibang victims ng typhoon Ondoy. I realized that my family and I are very lucky because we are still safe. :)