Lesson learned.
Saturday, September 12, 2009
This is a late post. Long post ahead so be ready.
So yesterday, September 11, 2009 is our Judgment day. Distribution of cards sa afternoon, so maraming kinakabahan.
Nothing special in particular happened that morning. We had our Physics class. Mam. Lucena was not around but she left us a task. The rest of the morning was spent for our Periodic table, exhibit and Chemvention. Ang galing mag-cram at magkaisa ng Burbank. Hahaha. Di na kami umalis ng homeroom after ng 3rd class. From 9am to past 11am, ang lahat ay busy para sa mga contest at class projects na ipapasa sa araw na iyon. May mga gumagawa ng periodic table, yung iba nagdedesign ng exhibit at yung iba naman, tumutulong para matapos yung di pa nasisimulang chemvention. :D
Na-cut yung klase ng 11am dahil distribution ng cards sa hapon. Tapos na rin kami sa pagcra-cram ng mga projects sa homeroom. So umalis muna ako ng homeroom at pagala-gala ako. Pumunta ako sa exhibit at naging photographer ako ni Tita Rose Uy. Nawalan ng battery yung camera niya so wala na akong nagawa. Binigay sa akin ni Tamamao yung placard ng Burbank.
So there. Habang naghihintay sa mga parents, kasama ko si Vonne na may hawak naman ng placard ng Berzelius. Tinulungan namin yung mga parents na kailangan ng tulong. Magkausap lang kami sa labas ng auditorium habang naglelecture sa loob. Nung time na yun, wala pa rin yung mommy niya at mommy ko. Kwentuhan lang ng kung ano-ano habang naghihintay matapos yung orientation sa auditorium. Nakakatuwa kasi first time namin magusap sa personal ng medyo matagal. We left the auditorium and proceeded to our own rooms after the orientation.
Ang aga dumating ng mommy ko. 1pm dapat siya pumunta para sa orientation, pero 3pm na siya nakarating because of the heavy traffic. Gah. Kinuha na niya yung card ko. She wasn't surprised with my disappointing grades kasi niready ko na siya. Pero crap. I've never felt so disappointed with my grades. The grades that I've got yesterday are the worst grades that I've ever seen in my report card. It sucks because I know that I've only got myself to blame for those unsightly marks. I tried to comfort myself saying that first quarter is only an adjustment stage; pwede pa ako bumawi sa susunod; hell year talaga ang third year kaya ganyan. But those words didn't help. I failed to realize the value of time. If I'll give you the chance to see my report card, you'll see that I'm a failure; that I suck big time. >.<
Dahil dito, nadepress talaga ako. 5pm na noon, nakalimutan kong di pa ako kumakain ng breakfast at lunch. Pumunta na lang kami ni Tif sa Mcdo at kumain. We were both unsatisfied with our grades. Sumabay kami kay Epo at Angelica na di rin nakuntento sa grades nila. Nagkwentuhan na lang ng kahit ano, para lang makalimutan sandali yung grades.
Pupunta pa kami dapat sa Sucat para sa wake ni Mr. De Paula, husband ng chem teacher namin na si Mrs. De Paula. Too bad, late na kasi. 6pm na nun. According to Mrs. Uy, traffic na raw ng ganung time tska malakas pa kasi yung ulan. So di na kami tumuloy. Yung Berzelius lang yata ang nakapunta. Sila kasi yung advisory class ni Mam. Condolence na lang to Mrs. De Paula's family.
Napakwento na naman ako. Masaya ako dahil may magagandang nangyari. Panira lang talaga yung grades ko sa card. Sige na, bbye.