Tonight's gonna be a good night.
Friday, August 28, 2009
Ang ganda ng simula ng araw ko. Late na naman ako, for the 3rd time in my entire masci life. Napansin ko na ngayong third year lang ako nalalate, dati hindi naman. Shocks. Unfair kaya. Mas maaga ako umalis ng bahay kaya nagcommute ako tapos di ako sumama sa kapatid ko. Then, siya late siya umalis ng house tapos di siya late. Gah. Ako pa pinakauna sa pila ng mga late sa third year. Tsk.
Anyway, enough of that drama. Fast forward. So ako ang representative ng aming klase para sa lakambini something. Thank God because He gave me supportive classmates and friends. Maraming tumulong sa akin kanina sa pagaayos. May naging temporary hair and make-up artist at personal assistant ako kanina. Thanks Mam. De Leon, thanks Burbank, thank you non-Burbank friends. :)
Magandang hapon sa inyong lahat!
Ang kasimplehang bumabalot sa aking katauhan
Ang sumasagisag ng tunay na kagandahan
Di lamang sa panlabas na kaanyuan
Kundi maging sa kalooban
Ang mga ngit sa aking mga labi
Ang siyang sayo'y bibighani
Jessica Zafra ang ngalan... Binibini sa iyong harapan
Ayan yung kailangan kong sabihin kanina. Unfortunately, namental block ako kanina sa stage. Memorize na memorize ko na yun eh, pero ganun pala pag kinakabahan ka. Gah. Ang dami kasing tao. I was so nervous. So nakalimutan kong mag-pose sa gitna, at nakalimutan ko pa yung ibang lines sa speech ko so nagimbento na lang ako kahit di sila rhyming. Dahil doon, nakalimutan ko rin magsmile. So nakasimangot ako buong time sa stage because of regret. Sayang. Pero at least panalo naman yung partner ko na si Justine kahit siya ay namental block din. :D
Then, Blackout came. It was the most awaited event for the juniors that day. Di ko ineexpect na mageenjoy ako ng sobra. The bands of our batch performed at least 1 or 2 song number. Too bad, di ko sila masyado napanood kasi kumain ako ng kikiam downstairs. Di pa kasi ako nagbreakfast at lunch nun. May Bb. Masci Pageant (not sure of the name) din. Nakakatuwa, may representative ang bawat section and take note, they pretended to be gays. Si renz ang representative namin, at halatang di siya marunong umarteng bakla. Yung iba naman, pwedeng-pwede maging bakla. :)) May mga dance numbers din. Yung unang group, medley. Yung 2nd group, Michael Jackson songs. Sayang wala si Mam. Lazaro. XD
Marami akong nakasayaw, both boys and girls. Sa fast dance, usually girls. Parang nasa disco lang kami eh. Party like a rock star. Sa slow dance, usually boys. May ngyari din kasi. May nangyaring nakakatuwa at meron ding hindi maganda. May mga nalaman din ako na nagulat talaga ako. I also cried because of something. There. I won't elaborate it here. Pero ang isa sa mga nangyari ay di ko talaga inaasahan, not even in my wildest dreams. Nakasayaw ko siyaaaaa. That moment completed my day. At may isa pang nangyari. Hahaha. :))
Pumunta kami ni Kim, mommy ni Kim, Angelica at ako sa KFC. Libreng dinner. Nice. Pero di ako nakakain ng maayos. Masyado kasi akong masaya sa mga nangyari. Kwento lang ako ng kwento habang sila kumakain. Kahit di pa ako kumain ng heavy meal, feeling ko sobrang busog ako. Nabusog ng tuwa, kahihiyan at kakiligan. Imagine, ako pinakahuling natapos kumain sa amin. That was soooo unlike me. XD Umuwi na kami pagkatapos. Nakarating ako dito sa house ng mga past 9 na.
Natutuwa ako ng sobra-sobra ngayon. Kahit hindi naging madali ang paraan ng pagkuha ko ng kagustuhan ko, I think it's worth the risk. May bagong favorite song na rin ako. Grabe. Paalam na nga. XD
And we'll linger on, time can't erase a feeling this strong~
Every moment spent with you is a moment I'll treasure~
You have stolen my heart~
Every moment spent with you is a moment I'll treasure~
You have stolen my heart~