Back to yesterday.
Tuesday, August 4, 2009
Kani-kanina lang, binalikan ko yung mga lumang files dito sa folder ko. Nakita ko yung mga files ko dati. Yung mga poems, drama, story, essays, etc. Nakita ko rin yung mga pictures ko/namin dati. Mga pics nung bago pa lang ako sa Masci. Nakakamiss. Ang sarap balikan sana ng nakaraan. Kung pwede lang sana eh. Marami rin kasi ako gustong baguhin...
At eto, kasama sa mga nakita ko:
Ano nga ba itong nararamdaman?
Isang damdaming di ko inaasahan sa iyo ko mararanasan
Damdaming nakapagdulot ng kaguluhan
Sa puso kong takot ng masaktan
Siya'y aking nakilala ng di inaasahan
Isang ordinaryong araw noon ang nagdaan
ngunit ang araw na iyon ang nagsilbing panimula
Sa isang pakiramdam na nagbigay ng lungkot at tuwa
Naging mabilis ang pagtakbo ng oras at araw
Sa tuwing siya ay aking natatanaw
Di ko akalain na kami'y magiging magkaibigan
sapagkat ang aming ugali ay magkabaliktaran
Minsan kami'y nagkaroon ng oras na magsama
Doon ko napansin na siya'y tunay na kakaiba
Hindi ko namalayan na ako'y nagbago
Sadyang iba ang kaniya'y aking pagtrato
Tuwing siya ay nasisilayan
Ako'y agad na natitigilan
Ngunit hanggang doon na lang iyon
Isang damdaming tila sa lupa nakabaon
Sadyang wala akong loob na malakas
Di pa man sinusubukan ay gusto ng umatras
Di ko alam kung pano sa kaniya ito'y mababangit
Mga katagang sa puso at utak ko naiipit
Ako'y natatakot na sabihin sayo
Ang pagibig na nararamdaman ko
Natatakot na ika'y umiwas
Ang pagkakaibigang nabuo ay magwakas
Hanggang kailan ko pwede itago ito?
Pagsinta na nais ko'y iyong mapagtanto
Sana hindi pa huli ang lahat
Sa oras na balak kong sayo'y magtapat
Isang bituin na kay hirap abutin
Maabot ka, yan aki'y panalangin
Ngunit ang takot ko'y dapat harapin
Upang malamn mong ako sayo'y may pagtingin.
Ang ewan niyan noh? Di ko alam kung para saan/kanino/ano yan eh. O sadyang wala lang talaga akong magawa niyan. Pero nakakamiss talaga ang mga sandaling iyan. Ngayon, nakalulungkot malaman na ang dami ng nagbago. Ang iba'y ikinatuwa pa natin dahil para ito sa ating kasiyahan o kabutihan. Ngunit may mga pagbabagong mahirap tanggapin kasi ito'y masakit... Siguro kasama na talaga ito ng paglipas ng panahon..