Monday, August 3, 2009
August 3 is a fun but tiring day. :D
Nagsimula ang lahat nung umaga. I was late. I arrived in school at about 7:30 am. First time yun ah. DUmaan pa kasi ako ng Andoks para bumili ng Liempo. Buti walang Physics. Kya may time para magprepare sa surprise para kay Mam. Lucena at kay Mam. Manalo. Binalot nila Danni yung regalo. Yung iba naman, busy na sa pagsusulat ng dedications. Meron dng nagplaplano ng pagkain.
Nung english na, surprise entrance. :)) Careless whisper ang mga boys. Hahaha. Tas kumanta ng Happy birthday with a twist kay Mam. Lucena. She was touched by our actions. Aww. Sabi niya kasi, 2001 daw nung huli siyang sinurprise ng ganun. And sobrang unexpected talaga kasi noong June 9 pa birthday niya. SO there. Picture2, kwentuhan at nagbigay kami ng pagkain sa kaniya. May class picture na rin kami kasama si mam Lucena.:D
Then, tenenen! AA na. So ginamit pa namin si Mam. Lucena para kausapin si mam. Manalo sa labas habang walang kamalay-malay si Mam. Manalo na inaayos na namin ang room para sa kaniya. Inayos na yung food, picture sandali. Then pagpasok ni Mam. Manalo, kantahan uli. Ang sayaaaaa. Natouch din si Mam. sa ginawa namin. Binigyan namin siya ng rice dispenser at illustration board na naglalaman ng aming dedications sa kaniya. Tas niyaya pa nga namin si Mam. Lucena na makikain sa amin. So there. Kahit di ganun kadami ang food, masaya pa rin. Gumana pa rin ang aking katakawan as usual. :D
Pnakiusapan namin si Mam. De paula na wag mag chem. Pero ang sabi nya, kahit 20 min na lang daw kami mag chem, ayos na. So sa homeroom, naglaro sila. Haha. Trip to Jerusalem, etc. Then, nagkayayaan mag truth or dare. May mga nagkabukingan, pero di raw pwede makalabas iyon. :P
Gaah. Nagchem kami for 20 min. Ayos lang naman yun. Then nung mag THE na dapat, pnapunta sa quad. Pupunta raw kami sa Roxas Blvd. Panonoorin si Cory.
So we went there. Grabe, nasusunog na ang balat namin, di pa rin sumusulpot ang bangkay ni Cory. Gawsh. So kumain kami. Si Jonah, nanlibre pa ng starbucks. Si Orven, nanlibre ng ice cream. May iba pa akong nakain. Ang dami ko na namang nakain. Pero medyo naasar ako sa ibang taga Araullo. Graaabe. Nakakaasar ung pantritrip nila. Hindi nakakatuwa. Tas may isa pang lalaki dun na mkha namang gusgusin at naninigarilyo pa. EEW. Parang pervert na nanlilisik ang mata sa akin kanina. Nakatitig talaga. Yuck.
Gawsh. We waited for 4 hours for a 4 min parade. Nakakaasar. Nangitim nga ako eh. Hindi worth it ang paghihintay. Nakakainis pa ang weather. Ulan-araw-ulan. Gaaah. Tas bumalik kami ng Masci ng 4pm. And the rest is history.
Okayy. Sinipag ako magkwento ngayon. Hahaha. Till here. Bukas na lang uli. :)