Never Give Up.

Umuulan ngayon. Nakakatamad yung weather. Nakakatamad kumilos. Ang sarap matulog buong araw. Muntik na nga ako tamarin pumunta sa National Library eh. Pero dahil naawa ako sa TW ko, pumunta na rin ako. Haha.

Nagkita-kita muna sa Mcdo ng 9am. Err. Yung iba, di alam ibig sabihin ng punctuality. Kaya may batch na nauna na pumunta sa Library.

Ginawa namin ang usual na ginagawa sa library. Research dito, research dun. Gaaaah. Nakakapagod kaya umakyat-baba doon. Tsk. Thank God, wala na yung weird na psycho guy. I was able to concentrate better. May nagkwento sa akin na pinahuli na raw siya dahil may sinundan siyang babae dun sa loob ng library hanggang sa General books section at si girl naman, nagpanic. So this girl reported him to the authorities. Haha. Kaya sa susunod, evertime pupunta siya sa library, may magbabantay na raw sa kaniya. So much for being a weird psycho. Good for him. He deserves to be caught. :P

Ay kanina pala. Ang ganda pala ng magazine na Women's journal. Dami mong makukuha. Nakakaentertain siya. Haha.
If love can elevate us to heights of joy that is almost mystical, it can, cataclysmically, also plunge us into jagged canyons of despair that is every mortal's taste of hell... If love can edify, therefore, it can also hurt. And damnably well, too.
Ayan yung isa sa mga napulot kong info dun sa Women's journal. Marami pang iba eh, lalo na pag about love. Too bad, yung nireresearch kong topic, di ko nahanap dun. Sabi ng OPAC, nandoon daw. :| Pero masyado akong nagenjoy sa binabasa ko kanina kaya iba ang binabasa ko instead na hanapin ung topic ko.

Gaaaah. Noong pauwi na kami, Oh my. Nawawala yung claim tag ko. So I was scared like crap. Imagine, kailangan mo magbayad ng P100 para lang makuha ulit gamit mo. Waah. E di pa ako kumakain ng lunch noon pero ang dami ko ng kinain kaya konti na lang money ko. Tas ang pera ko na lang at that time was about P130. So I searched for that claim tag. Akyat-baba nanaman ako sa national library from 6th floor to ground floor. Err. Susuko na sana ako pero napagisipan kong pumunta for the last time sa Reference division. Patingin-tingin ako dun sa desk ng mga librarians. Nahalata naman yata ng mga librarians na may hinahanap ako. So they asked me what's the problem, sino ba raw hinahanap ko. I told them my dilemma. Then they asked me for the number of my claim tag. Sabi ko, "76 po". Sabi nila, "sayang, 75 ang nandito eh.." I felt hopeless at that time at ready na akong magbayad ng 100 para makauwi na ako when they told me the good news. Yay! Thank God for these librarians. Without these honest librarians, I would've have gone home starving and without money in my hands. :D

So there. I ate a lot somewhere. Haha. Sa mcdo pa lang noong umaga, marami na eh. Don't ask me kung magkano nagastos ko sa food alone dahil makikita mo kung gaano ako katakaw. :P

And oh, Cory Aquino, the former president of the Philippines, passed away this morning. May her soul rest in peace.