Just like crabs.

Tsk. Bakit ang daming ganun ngayon? Ang bilis nila dumami. Mga taong lihim na nagdadasal na bumagsak ka. Kapag masaya ka, gagawin nila ang lahat para mawala o maagaw sayo ang kasiyahan mo. Gaaah. Mga naiinggit. Mga di marunong makuntento kung ano ang meron sa kanila. O di kaya yung iba, nakuha na nga nila ang gusto nila pero masyado silang sakim. Sadyang gusto nilang lagi nilang nalalamangan ang iba. Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Sinasayang nila ang oras nila sa mga maling pangarap sa halip na kumilos na lang sila para makuha nila ang inaasam nila. Sa halip na magfocus sila kung paano maabot mga pangarap nila, sinasayang nila sayo attention nila. Crab mentality o. Ugh.

Pero mabilis naman daw ang karma. Wala nga lang kasiguraduhan kung kailan mangyayari ito. Madalas, nangyayari ito sa mga hindi inaasahang panahon. Sa mga sandaling nagsasaya ka na dahil nakalamang ka na sa iyong kapwa ngunit magugulat ka na lang pagkatapos na tumutulo na ang iyong mga luha dahil nasira ang iyong mga plano. Sa mga oras na nagdiriwang ka na sa tagumpay ng iyong kasakiman ngunit pagkagising mo kinabukasan naglaho na ang iyong mga ninakaw. Sa mga oras na akala mo panalo ka na sa laban ngunit makikita mong di pa pala sumuko ang kalaban.

Ayaw ko gumanti. Baka doble pa ang sampal sa akin ng karma na ito. Pinapasa ko na lang sa Diyos ang lahat. Bahala na siya.

Basta ako, masaya ako ngayon. Hindi ko hahayaan ang kahit sino na masira ito. Mabuti na lang at andiyan ang Diyos, pamilya, mga kaibigan at siya para di ako mawalan ng pagasa sa laban ng buhay. :)